"WIKA NG
PAGKAKAISA"
Filipino, pambansang wika nating mga
Pilipino. Ang nakalaan sa atin para gamitin ng husto para makipag-ugnayan at
makipagtalakayan sa iba. Ito ang sinsabi nating dapat ipagmalaki dahil ito'y
sariling atin. Kaya dapat itong gamitin araw-araw para na rin pagrespeto natin
sa ating sariling wika.
Ang bansang Pilipinas ay may
iba't-ibang dialektong ginagamit. Nandyan ang Iloco, Kapampangan, Ilonggo at
iba pa. Mga dialektong ginagamit para makipag-usap sa kapwa-tao. Ngunit ang
ating bansa ay may tinaguriang pambansang wika natin na dapat irespeto at
igalang, ang wikang Filipino. Bawat Pilipino ay dapat magka-isa na igalang at
ipagmalaki dahil ito'y atin at karapat-dapat na wika ng ating bansang
sinilangan.
Wika ng Pagkakaisa ay DAPAT.
Ito ang dapat tumatak sa ating puso't isipan, ang dapat isaisip. At para naman
din ito sa ating bansang Pilipinas.



